Sinasabi ko na nga ba eh, ang trabaho nakakasira ng blogging. Matagal akong di naka-update dito. Mula ng nalipat ako ng ibang departamento dito sa trabaho, parang kapos ako palagi sa oras, panay tambak pa ng boss ko ng trabaho. Pagdating sa bahay tuloy pa rin sa aking gawa, mahirap mabuntunan ng trabaho. Mabuti na lang dumating itong Semana Santa, yung apat na araw na walang pasok, napunan ko at natapos ko rito sa bahay ang mga trabahong di matapos-tapos. Mahirap yung kasabihan na "Kung wala ka time mag-relax at puro ka na lang gawa...ibig sabihin ay wala kang trabahong natatapos". Tama nga naman, may oras ka ngang mag-relax kapag lahat ng obligasyon ay tapos.
Eto, nakasilip ako ng pagkakataon na mabisita ang aking Blog at nakapag-update, medyo nakakabato lang ang kwento ko ngayon...mukhang malapit na ring langawin itong site.
1. Natapos ko ng gawin ang "Individual Development Plan" ng aking mga tao. Ito yung training at developement ng bawa't isa. Aalamin ang kalakasan at kahinaan ng mga individual at dito mo ibabase ang pahubog ng isang empleyado para sa kinabukasan ng kanyang propesyon. Isa sa pinakamahalagang aspeto sa tagumpay ng negosyo ay ang pag-invest o pamumuhunan sa paghubog sa "technical skills" ng isang tao at palakasin ang kanyang mga potentials. Kapag highly-technical at competent ang kalipunan ng isang kompanya, garantisado ang tagumpay ng kalakal o negosyo.
2. Medyo maganda at relax na ako sa relasyon ko sa aking bagong grupo. Bilang namumuno, obligasyon kong mapalapit sa kanilang kalooban at alamin lahat ng concerns. One-on-one, nakausap ko sila at nagsabi naman sila ng kanilang mga nasa loobin.
3. Kagagaling ko lang sa Bulacan, isa sa mga "sister company" at nagdaos ako ng training sa isang grupo doon. Ito yung tinatawag na "Apollo Root Cause Analysis"...isang mabisang tool na magagamit para sa pagsusuri at pagtuklas sa ugat ng isang problema. Ito ay isinasagawa para makagawa ng mabibisang lunas o action plans at maiwasan ang pag-ulit nito. Sa katapusan, gagawin ko rin ito rito sa kompanya dito sa Rizal, sa isang linggo, lilipad ako sa Iligan at sa kalagitnaan ng Abril, sa Batangas Plant naman.

4. Nagkaroon di ako ng pagkakataon na makapag-prosisyon nitong Mahal na Araw. Humingi ng kapatawaran sa mga pagkukulang at kasalanan nagawa. Salamat naman at di ako umusok ng magbendisyon ng agua de bendita ng pari...hehehe. Medyo malayo-layo din ang aming nilakad, pero nakakawalang pagod rin dahil bukod sa isang paraan ito ng pagsasakripisyo, kasama ko sa paggunita ng mahal na araw ang aking pamilya.
5. Panghuli, bago magsemana, nagkaroon kami ng gig ng aking banda sa kaarawan ng isang kaibigan. Ito na yun pinaghandaan ng grupo. Maski kapos sa ensayo at medyo kinakalawang na kami, nakaraos din at nasiyahan ang mga dumalo.
Salamat nga pala sa mga kaibigan na kahit kapos sa oras at busy sa mga gawain ay nakadadalaw pa rin dito sa aking blogsite. Paumanhin rin sa inyo at medyo madalang rin ang dalaw ko sa sites ninyo...pagluwag-luwag, nariyan na lang ako't magbabasa sa inyong mga kuwento. Hanggang sa muli...makakalaya rin ako sa santambak na trabaho...lapit na...